mga dapat tandaan kung mag aapply ng trabaho sa japan
TOP 7 TIPS FOR A SUCCESSFUL JAPAN JOB APPLICATION SA RECRUITMENT AGENCY
Disclaimer: Ang My Labor Matters ay isang organisasyong nangangalaga sa mga OFW sa pamamagitan ng pag-inform sa kanilang karapatan at pagbibigay tulong sa kanila kapag me problema sila sa pamamagitan ng hotline. Hindi po kami recruitment agency at hindi po kami nagrerekomenda ng partikular na agency dahil bawal ito ayon sa Anti-Illegal Recruitment Act.
So gumising ka ng madaling-araw, tiniis ang sobrang lamig na tubig, sinuot ang pinakabagong damit, nakipagsiksikan sa tayuang bus habang kipkip ang envelope na puno ng papeles. Pagdating mo sa Maynila, pumunta ka sa recruitment agency at pumila – pang 100 ka lang naman ng araw na yun. Nang makausap mo ang recruiter, nalaman mo na HINDI KA PALA QUALIFIED.
So gumising ka ng madaling-araw, tiniis ang sobrang lamig na tubig, sinuot ang pinakabagong damit, nakipagsiksikan sa tayuang bus habang kipkip ang envelope na puno ng papeles. Pagdating mo sa Maynila, pumunta ka sa recruitment agency at pumila – pang 100 ka lang naman ng araw na yun. Nang makausap mo ang recruiter, nalaman mo na HINDI KA PALA QUALIFIED.
Saklap.
Kung ayaw mo masayang ang application mo, sundan mo lang ang mga sumusunod na tips:
1. Magkaroon ka ng target na trabahong papasukan bago ka mag-apply.
Alam naman po natin na ang tao ay walang limit kung me skills siyang gusting matutunan – ang kaso lang, walang job listing sa POEA at sa mga agency para sa trabahong “Kahit na ano.”
Kung pupunta kayo sa agency na walang ideya kung anong linya talaga ang inyong papasukan, nangangahulugan lang na wala kang qualifications na bitbit kapag nag-apply ka.
2. Kumuha ng training at mag-ipon ng certificate.
Kahit saang trabaho, plus points ang me certificate. Kung gusto mo talagang magtrabaho sa Japan at nakaisip ka na ng propesyon, pumunta ka na sa pinakamalapit na TESDA o ano mang TESDA accredited na training center para kuhanin ang kursong iyong napusuan.
3. Mag OJT at kumuha ng katunayan ng iyong experience.
Kadalasan ang mga employer ay naghahanap ng mga trabahador na me experience. Kung wala ka pang experience, mag OJT ka sa business na me koneksyon sa iyong training.
For example, gusto mong pumasok sa Food Preparation na work, mag OJT ka muna sa carinderia. Magpapicture ka habang naghahati ng talong? Ano ba naman ang magselfie habang naghahalo ng goto?
Kumuha ka na din ng certificate of employment mula sa iyong pinagtratrabahuhan. Kritikal na dokumento po ito.
4. Siguraduhing parating mukha kang propesyonal sa picture at sa personal.
Konektado ito sa Tip # 3. Kung magpapapicture ka, dapat maayos ang iyong itsura.
Dito sa Pilipinas, okay lang magtrabaho sa palengke na madumi ang apron at nakatsinelas lang. Ayos din lang magsaka ng nakashorts at putikang damit. Third world tayo eh.
Ang problema, iba sa Japan. Mataas ang antas ng mga Hapon sa kalinisan, sa pagiging magarbo kahit sa trabaho, at sa pagkakaroon ng tamang kagamitan at uniporme.
Halimbawa, kung mag-aapply ka bilang Farmer, kailangan mong manamit ng maayos, meaning me bota, malinis na over-alls, t-shirt at cap. Kung Fish Slicer ang linya mo, bawal na magpapicture na puno ng dugo ng isda ang iyong apron. Makakatay ang application mo.
5. Alagaan ang iyong “Karada.”
Ang “Karada” ay Japanese word para sa kalusugan at sa katawan. Kapag nag-apply ka sa recruitment agency, hindi lang skills ang puhunan mo. Sobrang galing mo ngang mag-welding pero hindi mo kayang buhatin ang kagamitan mo, mahihirapan kang makapasa. Gusto mong magtrabaho sa oyster farm sa Japan pero parang puputok ang baga mo tuwing sisisid ka, malamang hindi ka makuha.
Actually, napaka-pisikal ng mga trabaho sa Japan. Kahit ang caregiver dapat kayang magbuhat ng matanda. Ang mga farmer applicants ay tinetesting ng mga recruitment agency kung kaya nilang magbuhat ng sako-sakong mga bigas. Kung di ka fit para sa mga physically demanding na trabaho, kailangan mong mag-exercise.
6. Magpraktis para sa skills exam.
Mayroong skills exam ang mga recruitment agency. Bago kayo mag-apply, dapat master niyo na yung mga common procedure na konektado sa linya ng trabaho. Alam ng mga recruiter sa agencies kung sino ang bagito sa totoong marunong. Kung welder ka, pag-set up pa lang ng gamit, alam na nila kung gamay mo na ang iyong tools. Ang mga nag-aapply ng food preparation, dapat mabilis ang eye-hand coordination at me knife skills.
Kaya bago ka pa pumunta ng agency dapat araw-araw ka nagpapraktis para pumasa ka sa skills exam.
7. Maging mapagkumbaba at open-minded.
Me points din ang pagkakaroon ng magandang pag-uugali. Ang mga Hapon ay di din tumitingin lang sa skill. Tinitingnan din nila kung open na matuto ang manggagawa sa kanila.
Comments
Post a Comment